DOJ, ikinatuwa ang hatol ng Korte laban kay Retired Major Gen. Palparan

Welcome kay Justice secretary Menardo Guevarra ang naging pasya ng Korte sa kaso ni Retired Army Major General Jovito Palparan hinggil sa pagdukot sa UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Ayon kay Guevarra , bagaman natagalan, dumating pa rin ang hustisya para sa dalawang biktima.

Sa naging pahayag ng pamilya ng mga biktima, kasama ang mga piskal ng DOJ sa kanilang pinasalamatan dahil sa pagsusulong ng kaso laban kay Palparan dalawang kapwa-akusado na sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio.

Ang tatlo ay nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo.

Habang ang isa pang akusado na si Rizal Hilario ay patuloy na pinaghahanap ng batas.

 

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *