DOJ, pinaiimbestigahan kay Bucor Chief Bantag ang pagsabog sa Bilibid

Inatasan ng DOJ oversight committee si Bureau of Corrections Director General Bantag na magsumite ng written report at imbestigahan ang nangyaring pagsabog sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prisons.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, iniutos na makipag-ugnayan ang Bucor sa PNP contingent na nakaistasyon sa Bilibid para imbestigahan ang insidente.

Sinabi ni Guevarra na ang pagsabog ay nagpapakita kung gaano kalaki ang problema ng seguridad sa NBP.

Batay sa inisyal na report ng NCRPO, nangyari ang pagsabog ng improvised explosive device habang isinasagawa ang clearing operations sa mga kubol at iligal na istruktura sa Bilibid.

Wala namang nasugatan sa pagsabog.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *