DOJ Sec. Remulla, balik trabaho na sa Huwebes


Papasok na muli sa trabaho sa Huwebes si Justice Secretary Crispin Remulla.

Naka-wellness leave si Remulla simula noong Lunes nang nakaraang linggo dahil sa “personal reasons.”

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, magkakaroon ng pulong balitaan sa Huwebes ang kalihim.

Aniya, sabik na sila sa kagawaran sa pagbabalik ni Remulla.

Tumanggi naman si Clavano na sagutin ang mga katanungan kung sumailalim sa operasyon ang kalihim.

Mas mabuti kung si Remulla na aniya mismo ang sumagot sa mga nasabing tanong.

Gayunman, sinabi ni Clavano na malakas ang kalihim at nasa mood na ito para muling magtrabaho.

Inihayag naman ni Clavano na oobligahin na magsuot ng face mask ang media na magku-cover sa press briefing ni Remulla sa Huwebes.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *