Wembanyama, nag-dinner kasama ni Tony Parker habang papalapit ang kaniyang debut sa Spurs

French basketball player Victor Wembanyama demonstrates his skills following a news conference introducing the Spurs 2023 Draft Class, at the AT&T Center in San Antonio, Texas, on June 24, 2023. (Photo by Patrick T. Fallon / AFP)

Nag-dinner kasama ng dating San Antonio star guard na si Tony Parker, ang NBA top draft pick na si Victor Wembanyama habang naghahanda para sa inaasahang Summer League debut kasama ang Spurs sa Biyernes, Hulyo 7.

Sa Instagram ay nagpost si Jeremy Medjana, agent para sa 19-anyos na French prodigy, ng mga larawan ni Wembanyama at Parker, isang four-time NBA champion kasama ng Spurs.

Ang larawan at ang popularidad nito sa internet ang pinabagong senyales ng “Wembymania” na nagpasabik sa mga tagahanga ng Spurs bago ang Oktubre, na simula ng paparating na rookie season ng 7-foot-4 (2.24m) sensation.

Si Wembanyama ay dumalo sa kanyang unang pagsasanay kasama ang Spurs nitong Biyernes, makaraang lumagda para sa isang rookie contract sa Spurs noong nakaraang Sabado, kung saan sasama na siya sa club para sa NBA Summer League sa Las Vegas, isang off-season event na nagbibigay ng pagkakataon sa mga rookie at free agent na magtrabaho kasama ang mga bagong teammate.

Ang Frenchman ay inaasahang maglalaro sa court kasama ng Spurs sa Biyernes, kung saan makakaharap nila ang Charlotte Hornets sa Las Vegas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *