DOJ, tinapos na ang imbestigasyon sa pagpatay kay Kian Delos Santos

Tinapos na ng DOJ ang preliminary investigation nito sa mga reklamong kriminal kaugnay sa pagpaslang sa binatilyong si Kian Lloyd delos Santos na nasawi sa operasyon kontra iligal na droga ng mga pulis Caloocan noong Agosto.

Sinabi ni Associate Prosecution Attorney Moises Acayan na submitted for resolution na ang kaso matapos na makapagsumite ang karagdagang labing-dalawang respondent na pulis ng kanilang joint rejoinder affidavit.

Ayon kay Aacayan, ilalabas ng DOJ panel of prosecutors ang resolusyon ng kaso sa ikalawang linggo ng nobyembre pero ito ay dadaan pa sa pag-apruba nina senior deputy state prosecutor Richard Anthony Fadullon at Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr.

Sa kanilang joint rejoinder affidavit, iginiit ng 12 pulis na dapat mabasura ang kaso laban sa kanila dahil wala naman sila sa crime scene kung saan tinugis at napatay si kian ng grupo ni PO3 Arnel Oares dahil sa hinalang ito ay drug runner.

Hindi rin anila mapipigilan ang pagbaril ni Oares kay Kian dahil nasa ibang lugar sila.

Binigyang- diin pa nila na walang iregularidad sa isinagawang anti-illegal drugs operation.

Bukod kina Oares at sa 12 pulis, kinasuhan din ng pao at nbi ng murder at torture sina Caloocan City police community 7 Commander Chief inspector Amor Cerillo, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda na direktang sangkot sa operasyon kung saan napaslang ang teenager.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *