Pagpapatupad ng dismissal order ng Ombudsman kay Iloilo Mayor Jed Mabilog, ipinauubaya na ng Malacañang sa DILG

Bahala ang DILG na magpatupad ng dismissal order ng Office of the Ombudsman laban kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Sinabi ni Assistant to the Presidential Spokesperson China Jocson sa sandaling matanggap ng DILG ang dismissal order agad itong ipatutupad.

Maliban sa pagkakatanggal sa pwesto pinatawan din ng Ombudsman si Mabilog ng habambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Si Mayor Mabilog ay inalis ng Ombudsman sa pagkamayor ng Iloilo dahil sa pagsisinungaling at hindi maipaliwanag na kayamanan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *