DOTr Asec Atty. Mark Tolentino, sinibak ni Pangulong Duterte

Sinibak sa tungkulin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mataas na opisyal ng Department of Transportation o DOTr.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang sinibak ng pangulo sa puwesto ay si Assistant Secretary Mark Tolentino.

Si Tolentino ang sinasabi ng Pangulo na opisyal ng gobyerno na nakipag-usap sa kapatid niyang babae para makakuha ng pabor sa mga transaksyon sa gobyerno.

 Ayon kay Roque mahigpit ang bilin ng Pangulo na bawal makipag-ugnayan sa sinomang kamag-anak dahil sa kampanya laban sa korapsyon sa pamahalaan.

Nagbabala din ang Pangulo sa lahat ng hukom sa bansa na huwag makipag-transaksyon sa babaeng dating asawa ng kanyang anak na lalake na ginagamit ang koneksyon sa Pamilya Duterte para ayusin ang mga kaso sa hukuman.

Inihayag din ni Roque na may isa pang opisyal ng pamahalaan ang hinihintay ng Malakanyang ang resignation dahil sa pagkakasangkot din sa katiwalian sa ahensiyang kanyang kinabibilangan.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *