DOTr kumpiyansang maipapatupad na ang Anti-Distracted Driving Act sa Hulyo

download
courtesy of wikipedia.org

Umaasa ang Department of Transportation  na agad nilang maipapatupad sa Hulyo ang Anti-Distracted Driving Act o ADDA.

Sinabi ni Assistant Transport Secretary Leah Quiambao, na ito ay kasunod ng mga pagbabago na kanilang ginawa sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas.

Dagdag pa ni Quiambao sa maraming pagbabago na kanilang isinagawa ay tiyak na mababawasan na ang pag-alma ng maraming mga driver.

Una nang nagkaroon ng pagkalito ang nasabing batas noong ito ay unang ipinatupad noong Mayo kaya pinatigil ito ng mga mambabatas.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *