Malakanyang pinaglalabas ng detalye ng health condition ni Pangulong Duterte

download
courtesy of wikipedia.org

Umapela si Senador Panfilo Lacson sa Malacanang na isapubliko ang detaye ng health condition ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson, hindi na isang private individual ang Pangulo at maituturing na public concern ang anumang kundisyon ng kaniyang kalusugan.

Para matapos na rin aniya ang anumang espekulasyon sa hindi paglabas sa publiko ng Pangulo dapat lang sabihin ng Malacanang ang anumang lagay ng Pangulo.

Maiintindihan aniya ng publiko ang anumang kinakaharap ng Pangulo kasama na ang pinagdadaanang matinding stress dulot ng bakbakan sa Marawi City.

Ganito rin ang pahayag ng oposisyon na nagsabing nakakabahala ang hindi paglabas sa publiko ng Pangulo sa nakaraang apat na araw.

Bagaman dapat aniyang igalang ang pagpapahinga nito kaya hindi makadadalo sa mga public occasions, karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan kung may iniindang sakit ang Pangulo.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *