Duterte nasa ika-69 na puwesto sa Most Powerful People ng Forbes Magazine

 

Pasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng World’s Most Powerful People ng Forbes magazine.

Batay sa listahan  ng Forbes, nasa pang-69 na puwesto ang Pangulo.

Nakasaad sa magazine na ang paglaban sa iligal na droga ng Pangulo ang naging factor sa pagkakasama sa listahan.

Ang nasabing listahan ay binubuo ng 75 Most Influential Men and Women sa buong mundo.

Ito na ang pangalawang beses na napasama si Pangulong Duterte sa listahan dahil noong 2017 ay nasa pang-70 puwesto ito.

Nanguna sa puwesto ngayong taon si Chinese President Xi Jinping na sinundan ni Russian President Vladimir Putin, US President Donald Trump, German Chancellor Angela Merkel at Amazon CEO Jeff Bezos.

Pasok din sa Top 10 sina  Bill Gates, Saudi crown Prince Mohammed Bin Salman Al Saud, Narenda Modi ng India at Larry Page ng Google.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *