Edsa Kamuning flyover, bubuksan na ulit bukas

Simula 5pm bukas, Hulyo 23, madadaanan na ulit ng mga motorista ang 3 lane ng southbound ng EDSA Kamuning Flyover sa Quezon City.

Ayon kay DPWH Quezon 2nd District Engineer Eduardo Santos, nakumpleto na nila ang major repair works na ginawa sa 527.15 meter stretch ng Kamuning flyover.

Matatandaang Hunyo 25 ng isara ang southbound lanes ng Kamuning Flyover para ma-repair ang nakitang malaking cracks at butas rito.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: