Operating room complex ng GABMC,sarado pansamantala

Pansamantalang sarado ang operating room complex ng Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Maynila simula ngayong araw.

Sa abiso ng GABMC, ito ay para bigyang daan ang terminal cleaning at disinfection sa kanilang operating room, labor room-delivery room, NICU, at high risk unit.

Tatagal ito hanggang sa lunes, Huly 25.

Sa hiwalay na advisory, nag-abiso ang pamunuan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital na lilimitahan muna nila ang pagtamggap ng pasyente at operasyon ng kanilang Women’s Reproductive Care Complex, Quarters, Neonatal Intensive Care Unit, at Breastfeeding room.

Ito ay simula ngayong araw hanggang sa Martes, Hulyo 26.

Ito ay para bigyang daan ang wall-to-wall cleaning at disinfection roon.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: