Elton John, posibleng magretiro na

Nakatakdang i-anunsyo ng beteranong English singer na si Elton John ang kaniyang final world tour.

Ayon sa kampo ng singer, magsasagawa siya ng sabayang news conference sa New York at London.

Hindi naman kinumpirma ng panig ng 70-anyos na singer kung titigil na ba siya sa pagsasagawa ng mga konsiyerto.

Itinuturing na World’s most in-demand live performers si Elton John na nakapagbenta ng 200 million records.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *