5 Patay sa pagsabog ng Car Bomb sa Afghanistan

 

Lima katao ang namatay habang 25 ang sugatan matapos lusubin ng mga armading lalaki ang tanggapan ng Aid agency na Save the Children sa Jalalabad, Afghanistan.

Ayon sa ulat, may sumabog na suicide car bomb sa labas ng gusali ng nasabing aid agency bago ito sinalakay ng mga armed men.

Tumagal naman ng 10 oras ang bakbakan bago nabawi ng mga otoridad ang nilusob na opisina.

Inako rin ng Islamic State ang pag-atake kung saan sinabi nila sa Amaq news agency na target nila ang mga British, Swedish at Afghan government institution.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *