Embahada ng Pilipinas sa Thailand, inaalam kung may Pilipino na nadamay sa shooting tragedy sa Thailand

Nagpaabot ng taus-pusong pakikiramay at pakikisimpatiya ang Philippine Embassy sa Thailand sa pamahalaan at mamamayan mg Kingdom of Thailand dahil sa mga buhay na nawala dahil sa shooting tragedy sa isang nursery sa Nongbua Lamphu province noong Huwebes.

Ayon sa embahada, ikinalungkot at ikinagulat nito ang pangyayari at nakikiisa sa mga Thai sa kanilang pagdadalamhati.

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa mga otoridad sa Thailand at Pinoy community doon para mabatid kung may Pilipinong nasugatan o namatay sa trahedya.

Handa naman ang embahada na magpaabot ng tulong sa mga apektadong Pinoy at kanilang pamilya.

Sinabi pa ng embahada na nakipag-ugnayan na rin ito sa Royal Thai Police para sa karagdagang impormasyon sa insidente.

Umapela rin ang Philippine Embassy sa publiko na agad ipabatid sa kanila kung may direktang impormasyon sa mga apektadong Pinoy sa pamamagitan ng pagtawag hotline nito.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.