Ilang barko ng China namataan sa Bajo De Masinloc

May 4 na barko ng China Coast Guard ang namonitor ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc sa Zambales.

May 2 Chinese militia vessels rin silang nakita sa labas ng bisinidad ng Bajo de Masinloc.

Ito ay matapos magsagawa ng aerial surveillance ang PCG roon.

Ayon sa PCG, nasa Bajo de Masinloc rin ang kanilang BRP Gabriela Silang at BRP Suluan para siguruhin ang kaligtasan ng mga mangingisdang pinoy sa lugar.

Wala naman daw naging problema sa pagitan ng PCG at China Coast Guard sa panahon ng kanilang ginawang aerial surveillance.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.