Empleyado ng Manila city hall, patay matapos mahagip ng tren

Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Florante Aguilar Dupan, 54 anyos at residente ng Maria Guison st. Barangay 152 Zone 14 at empleyado ng Engineering Department ng Manila city hall.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang biktima na naglalakad at patawid sana sa riles ng biglang dumating ang tren at mahagip ito.

Bibili lang sana umano ng pandesal ang biktima ng mahagip ito ng tren at pumailalim pa rito.

Ayon sa pulisya, patay na ng makuha ang katawan ng biktima na nagkalasog lasog matapos masagasaan ng tren.

Hindi na rin dinala sa ospital ang bangkay ng biktima at tinakpan nalang ng dahon ng saging habang hinihintay ang sasakyan ng punenarya na kukuha rito.

Panawagan naman ng pamilya ng biktima sa pamunuan ng PNR sana ay panagutan ang nangyaring pagkamatay ng kanilang ama ng tahanan.

Giit ng misis ng biktima na si Anna Aguilar kung bumusina lang sana  ang tren ay maaaring nakaiwas sana ang kanyang mister at hindi ito nasawi.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *