Engkwentro sa pagitan ng Militar at Rebelde, nagpapatuloy sa Lobo, Batangas

Nagkasagupa ang mga tauhan ng militar at rebeldeng New Peoples Army  sa Brgy.Malalim,Lobo Batangas.

Batay sa report ni EBC Correspondent Ghadzs Rodelas nagsimula ang nasabing engkwentro pasado alas diyes ng umaga sa pagitan ng militar at ng mga rebeldeng npa.

Sa video na ipinadala ng isang concerned citizen, makikita ang takbuhang papalayo mula sa lugar ng mga sibilyan bitbit pa ang ilang mga bata.

matatandaan na noong isang linggo sa katabing bayan naman ng Taysan Batangas ay nagkaroon din ng engkwentro ang militar at mga rebeldeng NPA kung saan isang siyam na taong gulang na bata ang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo na siya nitong ikinamatay.

Patuloy tayong nakaantabay sa magiging kaganapan sa naturang engkwentro.

Please follow and like us: