Ilang mahistrado ng SC, dadalo sa SONA ni PBBM

Sasaksihan nang personal ng ilang mahistrado ng Korte Suprema ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, nakatanggap ang mga mahistrado ng imbitasyon para sa SONA ni PBBM.

Dadalo si Gesmundo kasama ang ilang justices.

Sumailalim sila sa RT PCR tests noong Sabado at magpapa-antigen test nitong Lunes ng umaga bilang pagtugon sa safety requirements sa SONA.

Moira Encina

Please follow and like us: