Eroplano na bumagsak sa Maguindanao Del Sur kahapon, kinontrata ng U.S Department of National Defense

Kinumpirma ng U.S. Indo-Pacific Command na ang eroplanong bumagsak sa Maguindanao Del Sur kahapon, ay kinontrata ng U.S Department of National Defense.
Sa pahayag ng U.S. Indo-Pacific Command Public Affairs, sinabi na nagsasagawa ang eroplano ng intelligence, surveillance, at reconnaissance support sa kahilingan ng Pilipinas.
Nangyari anila ang insidente habang nagsasagawa ang eroplano ng routine mission bilang suporta sa U.S.-Philippine security cooperation activities.
Kinumpirma rin ng U.S. Indo-Pacific Command na patay ang lahat ng apat na tauhan na sakay ng aircraft, na kinabibilangan ng isang U.S. military service member at tatlong defense contractors.
Kasalukuyan anilang iniimbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
Moira Encina-Cruz