Espenido, pinabulaanang planted ang ginawa nilang raid sa bahay ng mga Parojinog

Itinanggi ni Chief Inspector Jovie Espenido ang paratang ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez na planted ang isinagawang raid ng mga pulis.

Ayon kay Espenido ginawa lamang niya ang kanyang trabaho at walang katotohanan na tinaniman ng ebidensya ng mga pulis ang bahay ni Mayor Reynaldo Parojinog.

Idinepensa rin ni Espenido na kailangan nilang isilbi ang anim na “search warrants” sa pamilyang Parojinog para wala ng civilian na madamay sa operasyon.

Giit pa ni Espenido nanlaban ang grupo ni Parojinog kaya nauwi sa bakbakan ang kanilang ikinasang raid .

Ginawa ni Espenido ang pahayag matapos sabihin ni Princess anak ni Parojinog na planted ang raid kasabay ng paninindigan nito na hindi niya pag-aari maging ng kanyang ama ang mga nasabat na shabu sa kanilang bahay.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *