Sinapit ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog magsisilbing babala sa mga Narco politician ayon sa Malakanyang

Magsisilbing mensahe at leksyon sa mga Narco politician ang sinapit ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos mapatay ng mga otoridad si Mayor Parojinog at labing apat na iba pa matapos manlaban sa mga raiding team ng pulisya.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na walang sinisino ang pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Andanar patunay lamang ito na maliit o malaking personalidad na sangkot sa ilegal na droga ay tatamaan ng kampanya ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga.

Si Mayor Parojinog ay kasama sa listahan ni Pangulong Duterte na Narco politicians sa bansa.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *