EX PNP personnel boluntaryong sumuko sa awtoridad .

Isang dating pulis ang kusang sumuko sa mga awtoridad na may nakabinbin na kasong kidnapping at illegal detention.

Kinilala ang sumukong suspek na si Jerry Cabaňes Llamera alyas Jerry Gavanez 45 anyos tubong Bangulasi , Navotas at kasalukuyang naninirahan sa East Rembo Makati City.

Base sa report, dakong 8:45   ng umaga ay pumunta ang ex PNP na suspek na si alyas Jerry Gavanez sa compound ng municipalilty ng Cainta, Rizal para boluntaryong sumuko.

Ito ay may warrant of arrest na inisyu ni Presidng  Judge Hon. Ma. Consejo Gengos Ignalaga ng RTC Branch 98 ng Antipolo City na may petsang July 30 2015 at walang kaukulang piyansa.

Napagalaman din na ang suspek ay nagsimulang mag AWOL Agosto 2014.

Sa ngayon ito ay nakadetine sa custodial facility ng Cainta municipal police station.

Ulat ni Tantan Alcantara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *