FIL-AM, isa sa mga sugatan sa Las Vegas mass shooting

Isang 21-anyos na filipino-american ang napaulat na kabilang sa mahigit limandaang nasugatan sa walang habas na pamamaril ng isang 64-anyos na gunman sa Llas Vegas, Nevada.

Nakilala ang sugatang fil-am na si Arthur Andrade, residente ng Las Vegas na tinamaan ng bala sa kanyang tiyan.

Agad na nadala sa ospital ng biktima kung saan ito sumailalim sa operasyon.

Kasama noon ni Andrade ang kanyang kasintahan at ilan pang kaibigan sa country music concert sa Mandalay bay event grounds nang magsimulang magpaulan ng bala ang suspek na si Stephen Paddock mula sa ika-32 palapag ng hotel-casino.

Bukod kay andrade, ginagamot rin sa ibat ibang ospital ang mahigit sa limandaang nasugatan sa itinuturing na worst mass shooting sa kasaysayan ng Amerika.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *