Isa sa mga imbitado sa senate investigation sa ‘fake news’ may pasabog – Sen. Poe

Mayroong pasasabuging impormasyon ang isa sa mga inimbitahang resource person sa gagawing pagdinig ng senate committee on public information ngayong araw.

Ayon kay committee chairman Grace Poe, itoy kaugnay sa paglaganap ng fake news sa social media kung saan nabiktima pa dito ang pitong senador na binira sa isang blog ng silentnomore.ph.

Imbitado sa pagdinig sina Communications Assistant Secretary Mocha Uson, RJ Nieto na mas kilala bilang thinking pinoy at cocoy dayao na itinuturong nasa likod ng mapanirang blog.

Paliwanag ni Senadora Poe, tututukan nila sa imbestigasyon ang ukol sa fake news na bagamat malaya naman ang lahat na maghayag ng opinion, dapat maging maingat pa din tulad ng mainstream media sa paglalabas ng impormasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *