Final draft ng SONA speech ni Pangulong Duterte isinasapinal na ng Malakanyang

Isinasapinal na ang draft ng magiging laman ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na nilalagyan na ang mga inputs ng mga miyembro ng Gabinete ang magiging batayan ng SONA speech ng Pangulo.

Ayon kay Nograles sa linggo magkakaroon ng rehearsal si Pangulong Duterte sa kanyang SONA speech kasama si Bb. Joyce Bernal na tumatayong director ng SONA.

Sinabi ni Nograles na sesentro sa Duterte administration legacy ang magiging laman ng SONA ng Pangulo.

Inihayag ni Nograles na ilalatag ng Pangulo sa kanyang SONA ang master plan ng Duterte administration na gagawin sa nalalabing tatlong taong termino maliban sa accomplishment sa nakalipas na tatlong taon.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *