Findings sa Recto bank collision pre-mature pa para ilabas ayon sa Malakanyang

Pre- mature pa para isapubliko ang buong findings sa isinagawang imbestigasyon sa Recto bank Collission.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles  kailangan munang hintayin ang kinalabasan ng ginawang pagsisiyasat ng China tungkol sa insidente.

Ayon kay Nograles magkakaruon ng comparison ang magkabilang panig bilang bahagi ng protocol na ipipatupad sa diplomatic action.

Tumanggi namang magbigay ng reaksiyon si Nograles kung sakaling lumabas na magkaiba ang findings ng Pilipinas at China.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *