Fully-vaccinated laban sa COVID sa CALABARZON, mahigit 3.7M katao na

Lagpas na sa 3.7 milyong indibiduwal mula sa Region IV-A o CALABARZON ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, umaabot na sa 3,719,948 katao ang fully-vaccinated laban sa virus.

Katumbas ito ng 32% ng target population na mahigit 11.45 milyon para makamit ang herd immunity sa rehiyon.

Ang Cavite ang may pinakamarami na fully-vaccinated sa CALABARZON nasa 1.15 milyong katao o 38% sa target population nito.

Sa kabuuan ay nasa 8.39 milyon na ang nakatanggap ng una at ikalawang dose ng bakuna kontra COVID sa Region IV-A.

Moira Encina

Please follow and like us: