Gen. Emilio Aguinaldo-Bailen, Cavite, nakahanda sa pananalasa ng Typhoon Rolly

Walang gaanong inaasahang matinding pinsala mula sa Typhoon Rolly ang bayan ng General Emilio Aguinaldo- Bailen sa Cavite.

Sa panayam kay Mayor Nelia Angeles, dahil Agrikultural ang kanilang bayan, karaniwan ang nagiging pinsala lamang sa kanila ay mga punong bumabagsak at mga pananim na napipinsala.

Ngunit bago pa man ang bagyo, ay naghanda na sila ng mga kakailanganin.

Sapat din aniya ang kanilang mga kagamitan para sa posibleng Clearing operations sakaling may magbabagsakang puno.

Ginawa rin nilang evacuation center ang isang Elementary school sakaling may kailanganing ilikas.

Dahil dito, nanawagan ang alkalde sa kaniyang mga kababayan na manatili na lamang muna sa kanilang mga tahanan para sa kanilang kaligtasan.

Please follow and like us: