Gobyerno namahagi ng ayuda sa mga residente ng BF Homes, Las Piñas na naapektuhan ng sunog

 

Binisita ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang mga nasunugan sa BF Homes Las Piñas kamakailan.

Madaling araw kanina ay binista ni Go ang mga residente na pansamantalang nanunuluyan sa Timog covered court sa Las Piñas.

Lahat ng nasunugan ay nakatanggap ng Financial Assistance mula sa gobyerno at iba pang ayuda gayundin ang pabahay na isinasaayos na ng National Housing Authority (NHA).

Sa kabuuan tinatayang nasa 160 pamilya ang apektado sa nangyaring sunog sa lugar.

Mariin namang itinanggi naman ni Go na bahagi ito ng kanyang kampanya ngayong paparating na Midterm elections.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *