Halos 200 piraso ng mga bungo at buto, inilibing sa isang mass grave sa Manila North cemetery

Aabot sa humigit kumulang 200 piraso ng mga bungo at buto ang inilibing sa mass grave ng Manila North Cemetery.

Ayon sa Manila Public Information Office, ang mga bungo at buto ay narekober sa loob at labas ng naturang sementeryo.

Ayon naman kay Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan na hindi na makilala at hindi na ma-trace kung kanino ang mga bungo at buto na nakolekta.

Nagkalat at itinapon umano ang mga ito sa kung saan-saan gaya sa ibabaw ng apartment, mga bubong, at gilid-gilid ng mga bahay.

Ayon sa Manila PIO, walang paliwanag kung bakit nagkalat ang mga bungo at buto pero pagpasok ng bagong administrasyon ay bigla na lamang umanong naging ganoon ang sitwasyon.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *