Hao shiao na empleyado ng Bureau of Customs, arestado

Arestado ang isang hao-shiao na kawani ng Bureau of Customs (BOC) na pinaniniwalaang sangkot sa “tara” collection sa kawanihan.

Kinilala ng BOC ang suspek na si Xavier Daniele J. Gabriel , 19 na taong gulang mula sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa inisyal na report, nakasuot ng expired at sira-sirang BOC ID si Gabriel na nagpaso na noon pang March 1, 2019.

Inaresto si Gabriel  ng tropa ng Armed Forces of the Philippines na naka-assign sa Intelligence Group ng BOC matapos makuhanan ng malaking halaga ng salapi, deposit slips at apat na pass books sa loob ng envelope na nasa pangalan ng isang Renly Tiñana alyas Empoy ng Port of Manila.

Ayon sa Intelligence Division, si Gabriel ang courier sa paghahatid ng salapi para sa bank deposits ni Tiñana.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *