Health status ni Pangulong Duterte, handang isapubliko ng Malakanyang


Tiniyak ng Malakanyang na hindi itatago ang tunay na kalagayang pangkalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na malinaw ang probisyon ng Saligang Batas na hindi dapat itago sa publiko ang kalagayang pangkalusugan ng Pangulo kung ito ay may malubhang karamdaman.
Ayon kay Roque nasaksihan naman ng publiko na tatlong oras na nagtalumpati ang Pangulo sa harapan ng League of Municipalities sa Cebu city para pabulaanan ang ipinakalat ni Communist Party of the Philippines Founding chairman Jose Maria Sison na nacomatose ang Presidente.
Inihayag ni Roque na dapat tigilan na ang pagpapakalat ng fake news na mayroong malubhang sakit ang Pangulo.



Ulat ni Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *