Heart Failure Awareness Week, inilunsad ng Philippine Heart Association

0
Heart Failure Awareness Week, inilunsad ng Philippine Heart Association

Sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal na inilunsad at ginunita ng Philippine Heart Association (PHA) ang Heart Failure Awareness Week.

Ayon kay PHA Council on Heart Failure Chairperson Dr. Erlyn Demerre, nais nila na mas mabatid ng publiko ang ukol sa heart failure at ang kahalagahan ng maagang detection para ito, maagapan at magamot.

Inihalintulad ng mga eksperto ang heart failure sa sakit na kanser na hindi dapat ipagwalang-bahala.

Anila, ang atake sa puso ay isa lamang sa mga maraming dahilan ng heart failure.

Ang ilan sa mga karaniwang risk factors na magbibigay daan sa heart failure ay ang hypertension, diabetes, high cholesterol, at ang paninigarilyo.

Sinabi ni Dr. Erlyn Demerre, PHA Council on Heart Failure Chairperson, “Gusto nating gawin ay malaman ng mga Pilipino na ang heart failure, na pwede kahit sino magkaroon, pero ang sakit na ito pwedeng maprevent, pwedeng maiwasan kung alam natin ang risk factors na nakakasira ng puso at magiging heart failure. Mga kababayan, kailangan alagaan natin ang puso natin, alamin natin risk factors ingatan natin sa pamamagitan ng lifestyle, diet, exercise and magpatingin sa doktor. The earlier na matreat ang heart failure kung meron man kayo the better ang outcome.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *