Kaanak at bodyguard ni Urdaneta City Mayor Julio Parayno, arestado dahil sa droga

0
Kaanak at bodyguard ni Urdaneta City Mayor Julio Parayno, arestado dahil sa droga

Courtesy: DAGUPAN CPS

Inaresto ng mga elemento ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1 at Dagupan City Police Station, ang kaanak at bodyguard ni Urdaneta City Mayor Julio “Rammy” Parayno sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation sa nabanggit na lugar.

Ang mga suspek na pinsan ni Mayor Parayno ay nakilalang sina Beverly De Vera Parayno, 45 years old, walang trabaho at residente ng Barangay Bayaoas Urdaneta City, Pangasinan kasama ang live–in partner nito na si Romeo Nabalon Emboltorio, 63 years old, administrative aide/bodyguard ni Parayno at residente ng Barangay San Jose Urdaneta City, Pangasinan, at isang Louie Reyes Fermin aka “Bobby,” 37 years old, single at residente ng Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City, Pangasinan.

Courtesy: Dagupan CPS

Nakuha mula sa mga suspek ang 6 na gramo ng shabu na may street value na P40,800 na nakasilid sa 7 piraso ng heat-sealed plastic sachet, na pawang mga buy-bust item at nasa kanilang possession, nang mahuli nitong Pebrero 10, 2025, alas 3:53 ng umaga sa Barangay Bonuan, Gueset, Dagupan City, Pangasinan.

Nasamsam din sa mga suspek ang non-drug evidence na isang piraso ng 500 peso bill at walong piraso ng one thousand peso bill, isang 1 unit ng caliber .45 pistol, Colt MK IV na may magazine, 8 piraso ng live ammo ng .45, 1 piraso ng black sling bag, 1 piraso ng brown leather drawstring pouch, at isang piraso ng cigarette case.

Ang mga suspek ay nakatakdang kasuhan kaugnay nang paglabag sa Drugs Law.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *