High value individual, arestado sa malaking anti-drug operation ng Taguig police

Courtesy: SPD

Nahuli sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Taguig Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency, ang isang high value individual (HVI), makaraang kumagat sa pain ng mga pulis sa Ususan, lungsod ng Taguig.

Ayon kay Southern Police District Director Brig. Gen. Manuel Abrugena, ang suspek ay nakilalang si alias Rogel, 46-anyos, tricycle driver at residente ng Taguig.

Courtesy: SPD

Nakumpiska sa kaniyang pag-iingat ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 54.6 na gramo na ang tinatayang standard price ay P371, 280.

Narekober din mula kay alias Rogel ang ginamit na buy-bust money.

Nasa kostudiya na ng Taguig City Police si alias Rogel, na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165.

Sinabi ni Abrugena, na ang naturang operasyon ay patunay na hindi natitinag ang pagpapasya ng pulisya na protektahan ang buhay at kinabukasan ng mga mamamayan.

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *