Partial operation ng Cavite Bus Rapid Transit target simulan sa Setyembre

Courtesy: PITX PIO
Nakatakdang simulan ng Megawide Construction Corp. ang partial operations ng Cavite Bus Rapid Transit (BRT) sa Setyembre 2025.

Courtesy: PITX PIO
Ayon kay Megawide CEO Edgar Saavedra, ang P1.87-bilyong proyekto ay magbabawas ng travel time ng mga pasahero ng halos kalahati gamit ang dedicated bus lanes at scheduled trips.

Courtesy: PITX PIO
Ang BRT ay may 37 stations at tatlong terminals na babagtas sa 42 kilometrong ruta sa Imus, General Trias, Tanza, Kawit, at Trece Martires.
Sa unang phase, ay inaasahang 10,000 katao ang arawang gagamit nito, ngunit maaaring umabot sa 50,000 kapag kumpleto na ang lahat ng istasyon.
Manny De luna