Higit 200 bahay, nasunog sa Isabela city, Basilan

Nasa 500 pamilya ang nawalan ng bahay matapos sumiklab ang sunog kahapon December 4, sa Barangay Kaumpurnah Zone 1 , Isabela city sa Basilan.

Ayon kay Lt. Col. Julpikar Sitin, Isabela City Police Station commander, nasa halos 235 bahay ang natupok ng apoy.

Nagsimula ang sunod bandang alas-9:00 ng umaga at umabot pa ng halos 2 oras bago ito idineklarang fire under control.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sumiklab ang sunog sa isa sa mga bahay sa Barangay at dahil pawang yari sa light materials ang mga katabing bahay ay mabilis kumalat ang apoy na umabot pa sa Barangay Port Area.

Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at kung magkano ang napinsalang mga ari-arian.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Basilan National High School at tiniyak ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ang agarang tulong para sa mga apektadong pamilya.

Please follow and like us: