Higit 200,000 pisong halaga ng marijuana, nasabat sa anti-drug operation sa Cavite

Nasa kabuuang 228,000 pisong halaga ng marijuana o nasa 1.9 kilo ng droga ang nasabat ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite ngayong weekend.

Nadakip sa Barangay Carsadang Bago 1, Imus si Joseph Victor Gelilang alyas JV, isang online seller.

Nakuha mula sa kaniya ang isang itim na Eco-bag, isang cellphone, isang 500 peso bill an ginamit na buy-bust money, 19 na plastic sachet na naglalaman ng marijuana leaves, isang transparent plastic sachet na naglalaman ng marijuana seeds at isa pang transparent plastic bag na may dried marijuana stalks.

Please follow and like us: