Dating Pangulong Erap Estrada, mabuti na ang kalagayan matapos ibalik sa ICU dahil sa impeksyon sa baga

Matapos ibalik sa Intensive Care Unit dahil sa impeksyon sa baga, mabuti na sa ngayon ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Ito ay ayon sa kaniyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada sa ipinalabas na medical bulletin kagabi.

Ayon sa Senador, bagamat nananatiling nasa oxygen support ang kanyang ama, bumubuti naman ang kidney function nito at binawasan na rin ang mga gamot nito para sa blood pressure.

March 29 ng taong ito nang inanunsyo ng dating Senador na nagpositibo sa Covid-19 ang kaniyang ama pero nagnegatibo na ito sa virus nitong Abril 13.

Please follow and like us: