Hindi bababa sa 91 patay sa airstrikes ng Israeli forces sa Gaza

0
Hindi bababa sa 91 patay sa airstrikes ng Israeli forces sa Gaza

A child looks on as people mourn Palestinians killed in Israeli strikes, at the European hospital in Khan Younis in the southern Gaza Strip on March 20, 2025 — Reuters photo

Hindi bababa sa 91 Palestinians ang namatay at dose-dosenang iba pa ang nasugatan sa airstrikes sa magkabilang panig ng Gaza, makaraang ipagpatuloy ng Israel ang kanilang pambobomba at ground operations.

Pagkatapos ng dalawang buwan kapayapaan, muli na namang nagsisilikas ang mga taga Gaza upang iligtas ang sarili matapos abandonahin ng Israel ang ceasefire, at naglunsad ng isang panibagong all-out air at ground campaign.

Naghulog ng leaflets ang Israeli aircraft sa mga residentail area upang atasan ang mga tao na lisanin ang Beit Lahiya at Beit Hanoun sa norte, Shejaia district sa Gaza City at mga bayan sa eastern outskirts ng Khan Younis sa timog.

Sinabi ni Samed Sami, 29 anyos, na lumikas sa Shejaia upang magtayo ng tent para sa kaniyang pamilya sa isang kampo sa open ground, “War is back, displacement and death are back, will we survive this round?”

Isang araw matapos magpadala ng mga tangke sa central Gaza, sinabi ng Israeli military na sinimulan na rin nila ang ground operations sa hilaga ng enclave, sa kahabaan ng coastal route sa Beit Lahiya.

(Reuters: Hatem Khaled)

Ayon sa Palestinian militant group na Hamas, na hindi pa gumaganti sa unang 48 oras nang muling pag-atake ng Israel, ang kanilang fighters ay nagpakawala ng rockets sa Israel.

Sinabi ng Israeli military na pinatunog nila ang mga sirena sa sentro ng bansa makaraang ilunsad ang projectiles mula sa Gaza.

Ayon sa Palestinian medics, tinarget ng Israeli strikes ang ilang mga bahay sa northern at southern areas ng Gaza Strip.

Ngayong nabigo ang mga pag-uusap upang palawigin ang ceasefire, ipinagpatuloy ng militar ang kanilang air assaults sa Gaza sa pamamagitan ng malawakang pambobomba bago nagpadala ng mga sundalo.

Inatasan din ng Israel ang mga residente na lumayo sa Salahuddin road, ang main north-south route, at sinabing sa kahabaan ng baybayin na lamang sila dumaan.

Sinabi sa Reuters ni Khalil Al-Deqran, tagapagsalita ng health ministry sa Gaza, na noong Martes, unang araw na muling ipinagpatuloy ng Israel ang kanilang airstrikes, ay mahigit sa 400 Palestinians ang namatay na aniya’y “one of the deadliest days of the war,” at hindi naman bababa sa 510Palestinians ang namatay sa nakalipas na tatlong araw, mahigit sa kalahati rito ay mga babae at bata.

Sa isang malaking dagok sa Hamas habang sinisimulan na nitong itatag ang kanilang administrasyon sa Gaza, ang mga pag-atake sa linggong ito ay ikinamatay ng ilan sa kanilang pangunahing mga lider, kabilang ang de facto Hamas-appointed head ng Gaza government, ang chief ng security services, kaniyang aide, at ang deputy head ng Hamas-run justice ministry.

Ayon sa militanteng grupo, ang Israeli ground operation at ang pagpasok nito sa Netzarim corridor ay isang “bago at mapanganib na paglabag” sa dalawang buwang ceasefire agreement.

(Reuters: Hatem Khaled)

Sa isang pahayag, ay muling pinagtibay ng Hamas ang kanilang commitment sa ceasefire deal at nanawagan sa mediators, “to assume their responsibilities.”

Ang isang temporary first phase ng ceasefire ay natapos na sa pagsisimula ng buwang ito. Nais ng Hamas na tumuloy na sa napagkasunduang second phase, kung saan ang Israel ay inaatasang makipag-negotiate para matapos na ang giyera at i-withdraw ang kanilang puwersa, at ang Israeli hostages na nasa Gaza ay ipagappalit sa Palestinian prisoners.

Ang Israel ay nag-alok lamang ng isang temporary extension ng truce, pinutol ang lahat ng supplies sa Gaza at sinabing muli nilang sisimulan ang kanilang military campaign upang puwersahin ang Hamas na palayain na ang natitirang mga bihag.

Sinabi ng ilang mga residente, na wala pang senyales ng paghahanda ng Hamas sa ground upang ipagpatuloy ang labanan.

Subalit isang opisyal mula sa isang militant group na ka-alyado ng Hamas, na ayaw magpakilala ang nagsabi sa Reuters, na ang mga fighter, kabilang ang mula sa Hamas, ay inalerto na at naghihintay na lamang ng dagdag pang instructions. Inatasan din ang fighters na ihinto na ang paggamit ng mobile phones.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *