Labor group kinuwestiyon sa SC ang anila’y unconstitutional na bond requirement sa Magna Carta for Seafarers

0
Labor group kinuwestiyon sa SC ang anila’y unconstitutional na bond requirement sa Magna Carta for Seafarers

Dumulog sa Korte Suprema ang isang labor group para ipawalang-bisa ang isang probisyon sa Magna Carta for Seafarers dahil sa pagiging labag sa Konstitusyon.

Ayon sa petitioners na Federation of Free Workers, nilalabag ng Section 59 ang equal protection at due process sa mga Pilipinong tripulante.

Photo courtesy: FFW FB

Sa ilalim ng kinukuwestiyong probisyon ay pinagbabayad ng bonds ang seaman para maipatupad ang mga monetary award mula sa naipanalong kaso sa arbitration o sa National Labor Relations Commission.

Iginiit ng petitioners na pabigat at dagdag na pinansiyal na alalahanin ito sa mga tripulante at pinapahaba ang proseso sa work-related compensation claims.

Naniniwala ang petitioners na naipasa ang probisyon bunsod ng lobbying ng shipowners at manning agencies.

Kabilang sa respondents sa petisyon si Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of Migrant Workers and Department of Labor and Employment, Senado, at Kamara.

Sinabi ni Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers, “Ang mga seafarers lang po ang magpipiyansa, magbibigay ng bond kahit nanalo na sila sa NLRC or voluntary arbitration. Di yan ini-impose sa mga land based workers or sa mga local workers natin, ang seafarers lang. Sa amin tingin sa section 59 ito po ay negative social justice nag-iimpose ng pabigat para sa mga nanalo na seafarers sa NLRC at sa voluntary arbitration, hindi naman yan tama. Nakikita natin na very heavy ang lobbying ng ship owners.”

Moira Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *