Holdaper sa Quezon City, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

Napatay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection group o CIDG ang isang holdaper sa kanto ng Aurora road at Aurora Boulevard Quezon City.
Ayon sa mga otoridad,  nakatanggap sila ng intelligence report tungkol sa nagbabalak na mangholdap sa lugar.
Nagpatrolya ang mga tauhan ng CIDG at nakita nila ang 2 lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo na nakatambay sa madilim na bahagi ng Barangay Loyola Heights, ilang hakbang lamang mula sa isang bangko.
Sisitahin pa lamang nila ang 2 lalaki pero agad nagpaputok ng baril ang isa sa mga ito habang tumakas naman sakay ng motorsiklo ang isa pang lalaki.
Narekober sa suspect ang isang baril na ginamit para paputukan ang mga operatiba.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng CIDG para matunton ang nakatakas na kasama.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *