Homemade motorized shopping cart

 

              photo credit: dailymail.co.uk

Isang babaeng Australian ang nagpost ng video ng isang kakaibang sasakyan na nakita nya sa kalsadang sakop ng kanilang lugar. Ang sasakyan… isang homemade motorized shopping cart.

Ayon kay Lisa Burgess, kinunan nya ng video ang lalaking nakita niyang nakasakay sa naturang shopping cart na nilagyan ng motor and steering mechanism sa Adelaide suburb ng Paralowie.

Makikita sa video na tine-testing ng lalaki ang biling ng kaniyang motorized shopping cart, at sinubukan ding gumawa ng ilang mga tricks gaya ng “wheelies.”

Namangha naman ang mga tao sa kanilang lugar sa ginawa ng lalaki, at natawa dahil sa tuwa ang mga ito sa kaniyang mga tricks.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *