House Committee on Justice ibinasura ang impeachment complaint na inihain ng VACC at Vanguard laban kay CJ Sereno

Ibinasura ng House Committee on Justice ang impeachment complaint na inihain ng VACC at Vanguard laban kay Chief Justice Lourdes Sereno.

Limang Kongresista ang bumoto ng pabor sa impeachment complaint pero 28 ang bumoto na insufficient in form sa reklamo.

Ito ay dahil sa technicalities sa verification ng kanilang impeachment complaint.

Sa verification ng reklamo ng VACC kinopya umano ang para sa kung may nag endorsong 1/3 members gayong dapat ay sa pang private complainant.

Dahil dito, isang impeachment complaint lang ang nakalusot at ito ang  inihain ni Atty. Larry Gadon.

May 10 days si Sereno para maghain ng kanyang sagot sa reklamo laban sa kanya habang 5 araw naman kay Gadon para magreply sa sagot.


Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *