Kilalanin si Promobot, ang run-away robot mula sa Russia

Sikat sa Russia ang Big-Eyed robot na tinatawag na Promobot. Si Promobot ay hindi lang naaalala ang lahat ng kaniyang nakikilala kundi dahil sa kusa itong tumatakas sa kaniyang lab.

Pero bukod dito ay naging laman ulit si Promobot ng mga balita matapos makilala at makadaupang palad si Russian President Vladimir Putin.

Kasalukuyang nagtu-tour si Putin sa isang information technology exhibition sa Silicon Valley nang makilala ang pamosong robot.

Kaagad na nakilala ni Promobot ang Presidente ng Russia ng nakita niya ito at kaagad itong nagbigay galang.

Si Promobot ay isang artificial intelligence robot na naka-program bilang isang guide, model at promotional salesman sa buong Russia kung saan naka-record sa kaniyang database ang lahat ng kaniyang nakikita maging ang mga prominenteng public figures na nakikilala nito.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *