House speaker Gloria Arroyo, magsisilbi na lamang Consultant sa Pampanga matapos ang kaniyang termino

Bagamat magpapahinga na sa pulitika, sinabi ni House speaker Gloria Macapagal-Arroyo na patuloy niyang pagsisilbihan ang kanyang lalawigan pagkatapos ng kanyang termino bilang Kongresista sa Hunyo 30.

Sa kanyang birthday message sa Lubao, Pampanga, sinabi ni Arroyo na tatanggapin niya ang bagong trabaho bilang consultant ng lalawigan ng Pampanga upang makatulong sa mga nasasakupan.

Kasabay nito ay ang pagsusulat umano niya ng kanyang talambuhay tungkol sa mga nagawa sa bansa.

Ipinagmamalaki ng dating Pangulo ang kanyang accomplishments sa fiscal stability sa harap ng financial crisis sa mundo at ang pagbaba ng poverty rate sa 26 percent noong siya ang Pangulo ng bansa.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *