House Speaker Martin Romualdez, tatayong caretaker ng 3rd Congressional district ng Negros Oriental

Tatayong caretaker ng 3rd Congressional district ng Negros Oriental si House Speaker Martin Romualdez mula March 23 hanggang May 23 ng taong kasalukuyan.

Sa harap ng 60-araw na suspensyon ng Kongreso kay Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr., ibinaba at nilagdaan ni Romualdez ang Memorandum Order 19-017.

Nauna nang pinatawan ng dalawang buwang suspensyon ng Kamara si Teves matapos i-rekomenda ng House Ethics Committee dahil sa kasong misconduct.

Pinawi naman ni Romualdez ang pag-a-alala ng mga taga 3rd Congressional district ng lalawigan at nangakong maibibigay sa kanila ang kaukulang serbisyo ng gobyerno kahit suspindido ang kanilang Kongresista.

Kasalukuhang naka-recess ang Kongreso simula noong March 23 hanggang May 7 dahil sa summer vacation.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *