Update : Death toll sa nasunog na barko sa karagatan ng Basilan umakyat na sa 31

Umakyat na sa tatlumput isa ang namatay na pasahero mula sa nasunog na M/V Mary Joy-3 sa karagatan ng Basilan.

Sa tatlumput isang na retrieve na bangkay, labing walo dito ang mga naabo sa sunog na nasa ikalawang palapag ng barko,.

Ang tatlo ay sa mga dalampasigan, habang ang sampung iba pang namatay sa trahedya ay sa magkahiwalay na lugar sa Basilan at ospital sa Zamboanga city.

Nagpapatuloy pa ang search and retrieval operation para sa higit limampung pasahero mula sa nasunog na barko.

Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *