Ilang Barangay sa Binangonan, 10 oras na mawawalan ng tubig

Ngayong alas-9:00 ng umaga ang simula ng water interruption sa ilang mga Barangay sa Binangonan, Rizal.

Sa abiso ng Manila Water, 10 oras mawawalan ng tubig dahil magsasagawa sila ng emergency leak repair sa Mabuhay Homes subdivision sa Barangay Pantok.

Tatagal ang interruption hanggang alas-7:00 ng gabi ngayong Lunes, Nov. 5.

Apektado ang mga sumusunod na Barangay: Pantok, Darangan, Mambog, Macamot, Tatala.

Ayon sa Manila Water, limang tangke ng tubig ang nag-iikot sa mga apektadong lugar para masuplayan ng tubig ang mga residente.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *